Back | Reverse | Quick Reply | Post Reply |

Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by amano-san on 2006-02-01 02:54:12 (edited 2006-02-02 14:50:53)
Dear Maynila,
Eto gumawa ulit ako isang pang topic. Dahil sa karamihan sa atin eh college students na, naiisip ko na sa sobrang diverse ng Maynila, iba-iba at nakakatuwa mga pangaraw-araw na karanasan natin. Sana magpost kayo dito! Gawin nating parang diary toh! ~binasa ulit title~ Har har har..:D

Grabe kanina, pagpunta ko sa school may nakita akong kababalaghan! ~kinakabahan; nginig-nginig~ >_<

Ganito kasi, 12:15 ng tanghali nakarating na ko sa Manila City Hall. 12:30 pm sumakay na ko ng jeep pa-Dapitan at di pa kami lumalayo, nagkaroon ng kaunting gulo sa gilid ng hall. Andun ako sa left side sa likod ng driver, eh di mabilis kong na-overlook ung gilid dun, at nakita ko ang di inaasahan: 2 lalaki; isang pulis (di ako sigurado) at isang taong grasa na N-A-K-A-H-U-B-A-D!

Di ako natuwa sa nakita ko't lumingon kaagad ako (less than a second), sa kaliwa ko kahit naka-stop ung jeep dahil traffic. At buti naman, di ko nakita yung anu niya dahil nakatip mga kamay niya dun. Nainis ako sa pulis (di ko lam kung pulis yun) kasi pinapalo pa niya yung taong nakahubad gamit ung kawayan na hawak niya. Sinisigawan pa niya at tinataboy papunta sa kalsada para makita ng ibang tao! Naawa ako sa isa kasi, sa tinatakpan na niya yung anu niya, di siya lumaban at nakayuko na lang habang bumibigay siya sa mga palo at sigaw ng gagong pulis!

Kung ako yung pulis, inaresto ko na lang sana siya at kahit papano, binihisan. Kung lalake lang rin ako at sa akto nakita ko yun, tatanggalin ko damit ko't ihahagis ko sa mukha niya.

Kahit taong grasa yun, tao pa rin yun! Hindi siya hayop na basta na lang dapat itrato ng ganun. (Nakakalungkot...T_T)


L<3ve,
NoYpi


Warui na...

- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by Kino on 2006-02-01 03:23:07 (edited 2006-02-06 13:28:48)
Ahm...Heneral maaari ba akong magtanong?Papaano kung ako'y hindi taga-maynila?lol pinoy na pinoy yung tagalog ko...Wahahaha ^^

may nakita pala akong pic ni amano-san o_o ang hirap nga maghanap ng pic niya x_x may dinagdag lang akong text haha, alam ko naman kilala mo na siya.Nakita ko lang kasi yang caption na yan eh.

Image hosting by Photobucket

~thumbnailed~


Maya Amano
Maya works at Kismet Publishing and manages the reporters for "Coolest," a popular teen magazine. She is a cheerful, innocent girl whose demeanor endears her to many people. She is bothered by the boy she accidentally met, the one she calls Deja Vu Boy, but feels compelled by something in the back of her mind...

Maliit lang naman yan diba?hindi ko na ginawang thumbsnail sabihin mo lang kung hindi ok gagawin kong thumbsnail. ^^

-kino-

Kino Petto Kino Petto

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by on 2006-02-01 03:43:33 (edited 2006-02-01 03:45:20)
Naku. Karaniwan na yan dito, Amano-chan. Naranasan mo na ba na makawitness ng pagnanakaw tapos wala kang magawa kundi magulat? E yung nagnanakaw ng bayad ng iba tapos bigla na lang bababa? Meron pa sumusuka sa loob ng jeepney. May mga lola na may dalang bata, mga ewan ko lang kung meron pa silang hiya na mga *eherm* (excuse me lng po) babae na sakto sa refridyereytor ang laki ng katawan, mga naka-T back, mga patawarin ako ng Diyos tao na (ang kapal ng mukha, sorry) naka spaghettistraps-miniskirt-supershortshorts-damitnakitakalululwa tapos mas malaki pa ang braso sa hita, natutulog sa loob ng jeep, sa mall, sa kalsada, sa LRT, sa Luneta, at sa kama, mga tao sa Intramuros...*nagsalita ng nagsalita*

Try mo nga palang pumunta ng Luneta pag yung gabi na. Makakatsamba ka ng mga nagdedebate sa gabi. Nakakatuwa kasi kahit nagtataasan na ng boses at nagkakabarahan na, e nagiging peace pa rin sila sa huli.

Oo nga pala, kung sabi mo sumakay ka ng jeep papuntang Dapitan sa City Hall, nakita ba kita nun?

*blip* *blip*

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by Kino on 2006-02-01 04:18:16 (edited 2006-02-01 04:21:03)
may karagdagan pala ako sa pic ni amano-san ^^ sana lang wala ka pa nitong mga to hehe..pasensya kung hindi sila kagandahan..



  

  

  

  





-kino-

Kino Petto Kino Petto

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by amano-san on 2006-02-02 03:26:56
Wow!!! Sugoi, Kino-chan! Arigatou! hontou ni arigatou! ^_^ Ang gaganda nila! San mo nakuha yan? Anong site? Hehehe... Astig! Kaka-upload ko lang lahat sa photobucket ko. Maraming salamat talaga! ~mwah~ <3 At ok lang kahit di ka taga-Maynila, basta mag-kuwento ka na lang ng pang-arawaraw mong karanasan; kahit anupaman gustuhin mo, ok?

@JayLon-san: Naman noh! Lam ko lahat yan at magda-dalawang taon na rin akong pa-commute-commute sa Maynila. From Paranaque ba naman eh, tapos ayaw pa ko ipa-dorm ng Papa ko. ~haayyy~ Tsaka matagal ko nang pinlano na gumawa ng thread na to, eh sa naawa talaga ko dun sa tao. Tsaka batet mo naman nilahat kwento mo? Har har har..:D Kelangan marami kwento. At malamang di kita nakita, pano yun? Eh di naman kita kilala.


Kwento pa ko marami, pero kelangan ko na magpahinga eh.


Wan stuu!

- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by yorokonde on 2006-02-02 03:43:54
Bagong pinoy thread nanaman! (Baka nagiging abusado nanaman ang mga noypi d2.) Joke! -- pero malay nyo.


Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by Image hosting by Photobucket on 2006-02-02 03:51:09
balak pa yata nyo na talunin yung programa ni Mayor Lito "Mahal Kong Maynila" HEHE cge kwento lang kayo...

Image hosting by Photobucket

“I am the wisest man alive, for I know one thing, and that is that I know nothing.”


Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by Kino on 2006-02-02 05:27:20 (edited 2006-02-02 05:37:08)
^^ buti at nagustohan mo sila..sensya nakalimutan ko yung site x_x pero kung gusto mo hahanapin ko uli!pwede ko naman gawin yun..

sige magsheshare ako!hmm..taga-tarlac city po pala ako..itong experience ko ay nangyari noong nagdidrill kami sa CAT[pero more of parade yun hehe]..grabe yung parada na yun x_x naglakad kami ng 10 km T_T tapos nung malapit na kami sa skul[finish line hehe]may nakita kaming lalaki na parang may kapansanan sa pagiisip kasi matanda na siya eh pero yung kilos niya isip bata..nung una tinatawanan nila kasi nakakatawa yung mga kilos niya..ako naman dko na pinansin kasi pagod na ko sa kakalad noh!tapos nung nasa bandang likod na namin yung lalaki bigla niyang hinubad shorts niya!ang mabuti na lang nakaharap samin yung pwet niya hindi yung *toot toot* nung lalaki..tapos yun may mga kamag-anak yata siya dun hinila siya tapos pinauwi yata..tawa ng tawa yung iba..hehe..nainis ako nung nakarating na kami sa skul kasi hindi pa pala pwedeng umuwi dahil magpipic pic muna daw para remembrance..eh 5:30pm kaming nakabalik sa skul naghintay kami hanggang 6:00pm tapos nun tapos na pic taking namin edi uwi na syempre!nung nagaabang ako ng tricycle ayaw akong isakay!!!kasi daw traffic dun sa lugar namin!fiesta kasi nung araw na yun!mga 6:25pm napagisip isip ko wala tlgang magsasakay sakin kaya ang ginawa ko nagabang na lang ako ng jeep!!!sa kasamaang palad puro puno mga jeep T_T 6:40 na ayun wala pa rin akong maabang na may bakante..hulaan niyo ginawa ko?naglakad ako pauwi samin T_T grabe araw na yun huhuhu pagdating ko pa sa bahay nireformat pala comp namin kaya yung connection namin sa vibe nawala syempre x_x hindi pa ko nakapagcomp!kasi dko alam yung username na binigay sa amin ng vibe kaya dko magawan ng connection T_T hahaha..kakapagod araw na yun..kaya kumain ako tapos natulog na ko ^^

-kino-

Kino Petto Kino Petto

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by amano-san on 2006-02-02 10:14:30
@Shimizu-san: Uu! Malay talaga natin, kaya wag na ma-shy! Heheheh... Mag-post ka lang kung kelan mo gusto, ok?

@Backbeat-san: Uu rin! Tatalunin natin si Mayor Lito Atienza sa "Mahal kong Maynila" niya! Batet? Ang korny-korny namana kasi nun, puro romansa. Kakasawa!

@Kino-chan: Tarlac ka pala! Lam mo yung fieldtrip namin this last Friday lang? Nadaanan namin yan, eh diba Ilocos Norte, Pagudpod Resort nga kami pumunta? Grabe! 10km??? Ilang galon ng tubig nainom mo nun? Buti na lang di mo nakita ung anu niya! Har har har..:D Basta pag mga ganung tao, di mo talaga masisi; may topak eh. Kaya nga kung ang isang baliw nakapatay, masisisi mo ba siya?

Buti naman at la pa kong nakikitang nagpapatayan sa daan, or kahit man lang patay na tao... pero patay na mga hayop uu! T_T Alala ko recently, pirat na pusa sa harap ng Post Office... nasagasaan malamang, tapos ung mga dumadaan na jeep at vehicles, dire-diretso lang. Wala ng dugo, kasi tuyo na rin.


O-A-ZU-KE!

- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by Cutie-chan! on 2006-02-02 15:56:04
Sure sa Maynila ay nasa pamamahala ni Lito Atienza. Well maganda na rin kahit papaano and maynila pero di ko na alam ang nangyayari doon. Bihira na lang ako makapunta doon pero I'm sure na makakapunta rin ako ulit someday


Cardcaptor Sakura: Blooming Days!: Dreams and Fantasies Becomes A Reality

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by on 2006-02-02 16:00:45
Malamang, Amano-chan. Hinde nga...

Eto, napulot kong ad sa net.

LONG LIVE CRASS COMMERCIALISM!
Tired of that crappy Simple Plan ringback tune?

For Smart text SAGO to 286
Astro 101697
Gin Pomelo 101698
Hello Hello 101699
Huwag kang Maingay May Naglalaba 101700
Kape 101701
Masarap 101702
Mr. Pogi in Space 101703
Nalulunod sa Isang Basong Tubig 101704


For Globe: Send codes to 2332
MPogi/RadioactveSago PA528
Kape/RadioactiveSago PA525
Hello/RadioactveSago PA523
GinP/RadioactiveSago PA522
Astro/RadioActveSago PA520

*blip* *blip*

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by on 2006-02-02 16:35:36 (edited 2006-02-02 16:36:06)
ang galing galing naman! Kakastart pa lang ng thread na 'to, e ang rami nang nagpopost. Kala ko kunti na lang ang nagpopost na mga noypis dito sa Gendou, yun pala nagkamali ako. Pasali ha!, kahit di ako taga Maynila. Susubukan kong gawing online journal ang thread na 'to ^_^


Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by Kino on 2006-02-03 07:11:46
syempre kuya jaydel..hehe..basta noypi ang gumawa siguradong patok haha..magpost ka ng karanasan mo!!!para naman may binabasa kami hehe..

-kino-

Kino Petto Kino Petto

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by amano-san on 2006-02-03 12:47:41
@Jaylon-san: Para san yan?

@Jaydel-san: Bakit mo naman naisip na mamamatay tong thread ko? Kung may makikita lang rin akong walang kwentang posts dito at ginawa na naman siyang parang messenger, ako na mismo magde-delete sa kanila. At pag grabe na, ila-lock ko na lang to. Naiinis na talaga ko sa mga pasaway. Kung dati di ako nagre-report, tingin ko ngayon pwede na dahil may mga potential pasaways talaga dito na di nakukuha sa simpleng usapan. Eh pano, di nga nagbabasa?

May iba kasi dyan na di marunong bumasa ng title ng mga threads. Mga walang pakelam sa mundo, na sa buhay nila, pati dito ina-apply nila. Mga ignoranteng pasaway na post na lang post ng di nagiisip at magta-type ng walang kwentang mga bagay. Ang sarap sapakin diba?

Nga pala, pag Byernes dyan sa Quiapo grabe traffic, siyempre dahil may simba. Ung usual na alis ko from Espana papuntang Post Office pag Monday-Thursday eh nakukuha lang ng mga 10-15mins. Pero kanina, mga isa't kalahating oras ata. Nakatulog pa ko't paggising ko, parang di man lang umandar ng konti ung FX na sinakyan ko. Sana pala nag-LRT na lang ako from Tayuman to Central. At least kahit from one to station to another station, kahit wala man lang interval, andun kagad ako sa Post Office in less than 10mins.

Daya, Sabado na ngayon. Wala kami dapat pasok kasi di a-attend ung professor namin. Eto lang kasi subject namin for Saturdays; 2 hours lagi. Eh kaso papasok pa rin ako dahil may PE ako, so log out na ko't mag-aayos pa mga gamit.


Tskare-mashta...
Gu---?


- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by on 2006-02-03 19:28:44 (edited 2006-02-06 18:05:28)
hehehe... 'sensya na ^_^; !

Hmmmm... eto ang first journal ko, so here it goes: (Kahapon ko pa sana 'to linagay kaso inaantok na ako)

Dear Zamboanga,

Naku! Nakakainis talaga ang nangyari sa 'kin kahapon. LAte na naman ako sa Zoology Lec namin. ika-11 late ko na daw yun, accroding to my teacher. Allowed lang kame ng 5 absences. 3 lates is equivalent to one absent. Bale, mag aapat na ang late ko! Malapit na 'to sa 5 absences. Ayokong ma drop! Maynila, alam mo ba ang dahilan kung bakit ako na late?! Sino pa nga ba ang dapat sisihin kundi ang Gendou forums! Di ko namalayan ang oras dahil basa na lang ako ng basa! XD Di bale na lang, aagahan ko na next time since eto na ang finals namin.

May CWTS-NSTP kame bukas (Sunday!). Grrrrrr Grabe, kakapagod naman nun. Sunday pa naman. I'm looking forward na makasakay ulit ng habal habal pag akyat ng bundok. Mabilis kasi yan sila magpatakbo, pataas pa ang akyat! Kakatakot at exciting! Feeling mo, mahuhulog ka na sa upuan especially kung steep ang slope. Ang habal habal lang ang pinakagusto kong part, ayoko ng community service! :P

L<3ve,
Noypi

@Jaylon-san
Ano yang post mo? Di ko maintindihan e.


Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by amano-san on 2006-02-06 09:46:37
Hala, may pa-dear dear at love love ka pa dyan, Jaydel-san! Hahahah..:D Pero may CWTS na kagad kayo? Teka, college ka na ba? Hmm... start ng LTS namin bandang sa mid-Feb up to early March pa. Bale mga 3 Sundays lang ata kasi out-of-towns un, tapos matatanda pa tuturuan namin.

Di ko alam kung magsasaya ba ko o anu. Naguguluhan ko. Kanina kasi, grabe sobrang tuwa ko! Dapat may surprise quiz kami sa Analytic Chem (ang sipag kasi ng prof namin dun! >_<, buti na lang hiniram ung oras niya dahil... DUN DUN DUU!!! Faculty Evaluation Tool for use of Student Raters Time! ~lumabas ang sungay~ hehehe...>=D Ano kasi un, bale ire-rate/ige-grade namin mga profs namin, so parang rest-back toh sa mga bwisit na profs! Ang saya talaga!

Kaso ang problema, kaninang umaga, la akong kinain kundi kape, tapos nung tanghali wala rin. Uminom lang ako tubig pagpunta ko sa school, tapos nung pauwi na ko bumili lang ako ng Cornics na assorted; ung P10. Tapos nung asa bahay na ko, di na naman ako kumain, at uminom na lang ulit ng kape. At ngayong oras na to, la pa rin ako kinakain... di naman ako nagugutom! AAAahhhhh!!!! Hahahahah..:D <~ nababaliw na!


HAAAA!
>_<


- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by lei8iel on 2006-02-06 10:37:24 (edited 2006-02-08 02:50:43)
Dear SanJuan,

kainis kanina.. umuwi ako ng maaga para mapanood ung mars tapos... tapos... wahhhh nakatulog lang ako.. sakto pa ha... nakatulog ako minutes before magstart ung mars then paggising ko tapos na... T_T

nakakapagod kasi eh... busy sa school.. traffic pa nung pauwi ako.. kaya ayun tulog!

dies mono dies

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by jhong on 2006-02-06 10:45:05 (edited 2006-02-06 10:46:46)
Dear Dumaguete,

Naputulan kami ng tubig for almost 2 weeks na. Bumayad kami sa water company 4 days ago. Anong problema niyo? Wala ba kayong awa? Pupunta ako sa opisina niyo bukas. Bastusan na to. Buti pa yung power company, nung bumayad kami after naputulan, binalik nila agad yung power within 24 hours.

L<3ve,
Noypi

Pwede ba ganun ang format?

love & peace

Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by on 2006-02-06 18:04:19
Buti pa gayahin ko na lang ang format ni jhong, edit ko yung previous post ko. Yap. first yr. college na 'ko, amano-san.

Dear Zamboanga,

Walang masyadong nangyari sa araw na 'to. Wala kameng klase kaya nakalog-in ako ngayong umaga. Two days kame walang klase, kahapon at ngayon. At least makakapagpahinga ako. *sighs* Nakakapagod kasi yung CWTS nung Sunday. Meron pa kameng two upcoming unit tests this thursday and friday pero di ko feel ang mag-aral. Kelangan ko talaga ng rest.

L<3ve,
Noypi


Re: Dear Maynila…, L<3ve, NoYpi
Link | by amano-san on 2006-02-07 09:08:51 (edited 2006-02-07 10:56:18)
Dear Maynila,


Bakit ba ang yayabang ng mga tao ngayon? Bwisit, eh kung sila na lang kaya maging mod? Kala nila madali lang maging mod. Oh, sino senyo gusto maging mod diyan? Ililipat ko senyo mga pribilehiyo ko. At ung sobrang conscious sa levels diyan, bibigay ko na rin senyo. Ung dati kong account, asa level 13 na ko nun. Sabi sa kin wag ko na raw i-delete un dahil mawawala lahat ng data ko. Sabi ko, ok lang na mawala lahat, as long as mage-enjoy pa rin ako after. Pero ung iba dyan, mahilig talaga pumapel... <~ may pinapatamaan.

Sabi sabi pa na ung iba bago lang... ang yabang. Alam kong di ka mahilig mag-post sa mga Pinoy-related threads, pero kung nababasa mo to, magreply ka dito't sabihin mo lang. At di lumalaki ulo ko dahil ganito na ko. Kahit nuun pang bago pa lang ako, ganito na ko. Bakit? Kasi ganito talaga ko. Ganito ugali ko sa totoong buhay. Hindi ako nagpapaka-plastik.

Gusto ko deretsuhan. Gagawin kitang mod, pati levels ko ibibigay ko sa yo para lang sumaya ka lang... :(


L<3ve,
NoYpi.


@Jaydel-san & Jhong-san: Inuna nyo ata pula kesa asul. Di ba giyera ibig sabihin nun?


Mga tao ngayon,
di marunong tumanaw ng utang na loob...

Warui na...


- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Back | Reverse | Quick Reply | Post Reply |
Go to page: 0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 Displaying 1 to 20 of 191 Entries.

Copyright 2000-2024 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0050 seconds at 2024-11-27 15:27:09